Thursday, September 16, 2010

Bundok ng Malapad

I planned to go to my hometown last September 10, tamang tama holiday kasi. Palagi ko na kasi Iniisip ung pag-akyat sa bundok na dating tinitirahan ng lola ko. I was still in grade 6 yta ng huli ko pumunta don eh. Na miss ko ung kabataan ko. I remember all my cousins. Pag pasko kasi don kami sa bahay ng Lola ko na you have to hike for 45 hours para lang makarating ka. Hindi biro un, dahil pataas, as in nasa tuktok siya ng bundok. Naghahabulan pa kami. I remember Icel, shes the best among my cousins sa akyatan, eh don ba naman sila nakatira talagang wala kaming binatbat sa pag-akyat niya. I'm afraid kasi na baka sumirko ako at mahulog na lang habang umaakyat. During my travel in Australia, I have seen that the Australians loves living with the view. Precious sa kanila un eh. Kapag ang bahay mo maganda ang view, napakamahal. UN nga lang din, palalagyan ng Australian government ng Park ang lugar na magaganda para accessible sa lahat. Galing no? Dito sa Pinas, walang pakiaalam, tayo lang ng tayo ng bahay basta may lupa. Hay naku naiinis na yata ako, balik na lang ako sa kwento ko. So bumalik ako don para lang alalahaning ang mga bagay na un. Habang umaakyat ka eh madadaanan mo ung mga hinog na na papaya at kinakain ng ibon, pa ti na rin saging. At ang favorite ko, ang Tagbak. Maraming hindi nakakakilala sa Tagbak, eto ay parang kauri ng bayabas. Puro buto ang laman at matamis pag hinog. Meron ding perisukit. Noong elementary pa lang ako eh tinatawag siyang mga teachers namin na presukal dahil sukal daw sa classroom. Maliliit naman un na bunga, parang kasing laki ng kuko na may laman ding butong maliliit na matamis. Beware sa pagkain tho dahil pag naparami, kawawa ka sa CR! Hindi lang un, may puso-pusuan din kaming tinatawag. Sa lupa naman un nakukuha. Nakatanim siya sa putik at kelangan mo bunutin para makain mo. Hay...napakasaya talaga. Pumupunta rin kami sa Kaingin nila Ama at Ina at nangunguha ng kamote. Hindi pa kami marunong non, bunot lang ng bunot kahit ano. Dahil diyan sa mga thoughts na yan ay naisipan ko magtayo ng bahay don sa kabundukan. Wala pa ko pera pero sana matupad at maumpisahan ko na. Siguro palagi na ko uuwi para uwian ko ang aking magiging munting bahay na ang tubig ay galing lamang sa maliit na bukal at sa ulan. Abangan nyo kung magkakabahay ako hehehe I post some photos if matuloy.

1 comment:

  1. Naalala ko na, hindi dapat siya bundok ng malapad kundi bundok magsikap. Sitio Magsikap ang lugar.

    ReplyDelete